Header Ads

Makatwiran bang Alisin Panitikan at Wikang Filipino sa Kolehiyo


Makatwiran bang Alisin Panitikan at Wikang Filipino sa Kolehiyo (Balagtasan)
Sa Panulat ni Marites M. Merced, Guro III, Lauis National High School


(Pagsisimula)

Lakandiwa:

Sa lupon ng inampalan, tanggapin aming pagpupugay
Ginoo't binibini, magandang araw, magandang buhay
Yaan pong magpakilala ang lakandiwang mahinusay
Nagmula sa hilaga, ___ ang pangalan kong tinataglay.

Ano nga ba ang sanhi ng pagtitipon ng kanayunan
At ang siyang dahilan nitong ating balagtasan
Mahalagang usapin na dapat nga namang pagtalunan
Upang ating matanto sino ang may tamang katwiran.

Alamin nating magaling sa dalawa nating makata
Sa tunggalian ng kaisipan nakikita kong handang handa
Mukhang di na nga makahintay tila ibig nang sumagupa
Ibig nang mangatwiran, eh wala pa nga ang paksa.

Makatarungan ba ang pasya nitong Korte Suprema
Sa kolehiyo'y alisin na ating panitikan at wika
Ito ang paksang lumikha ng malaking kontrobersya
Sa maraming Pilipino, sa minamahal kong bansa.

Di ko na patatagalin at akin nang tatawagin
Dalawang magiting na mandirigma atin nang kilalanin
Ngunit bago magsimula sila nawa'y pasalubungin
Ng masigabong palakpakan na lalo nating palakasin.

(Unang Tindig)

Mambabalagtas 1: 


Sa lahat ng naririto kayo'y pinagpipitaganan
Tanggapin aking pagbating may pagsinta't dalisay
Ang inyo pong lingkod ____ ang pangalan
Mula pa sa katimugan, batanggeñong angkan.

Sa ganang akin po tama lang ang kapasyahan
Wikang Filipino't panitikan di na dapat pag-aralan
Sa anumang kolehiyo, unibersidad o pamantasan
Bagkus ilaan na lang asignatura sa ibang larangan.

Panahon na ngayon ng modernisasyon
Ingle ang salitang pangkomunikasyon
Ng iba't ibang bansang salig sa globalisasyon
Kaya't sa kolehiyo ito'ng dapat na maging tuon.

Mambabalagtas 2:

Oh, aking katunggali kaytamis na 'yong pagbati
Sayang nga lang at ikaw ay nasa panig ng mali
Pinangalandakan pang angkan, di na nahiya sa 'yong lipi
Batanggeñong ewan, utak kolonyal naman pati yata ugali.

Ipagpaumanhin po ninyo kung agad uminit aking ulo
At di po muna nagawang magpakilala kung sino
Ngalan ko po'y ______, nagmula sa lipi ng katutubo
Sa bayan ng Candelaria, angkan ng Zambaleño.

Pasya ng Korte Suprema'y mahigpit kong tinututulan
Bakit kailangang ibasura wikang sarili't panitikan
Na dapat lang pinagyayaman sa lahat ng paaralan
Yaman ito ng ating lahi sadyang di dapat talikdan.

Lakandiwa:

Hayan na nga't uminit na balitaktakan ng dalawa
Pero teka muna nga 'igan pagkat ako'y nangangamba
Baka sa init ng inyong laban ako'y biglang mapatumba
Kaya't entablado'y inyo na, ako'y tatabi muna.

Atin na ngang narinig ang kanilang mga panig
Lakas ng paninindigan baka sa kanilang unang tindig
Sa kanilang muling pagbabalik ay atin pang maririnig
Mga katwirang pinaglalabang bukas sa kanilang tinig.

(Ikalawang Tindig)

Mambabalagtas 1: 

Mula elementarya hanggang sa sekondarya
Wika at panitikan ay atin ng asignatura
Pagdating sa senior high ay wala pa ring kawala
Paulit-ulit na inaaral hindi ba't nakasasawa?

Bukod pa sa wikang ito ay siya na nating salita
Sa pang-araw-araw po nating pakikisalamuha sa kapwa
Kaya't di na masama kung aralin nama'y wikang banyaga
At ng ang paham nating isipan ay matutong umunawa.

Sa pagkakaalam ko bawat Pilipino'y gusto ng pagbabago
Hinahangad, minimithi pag-unlad ng Pilipinas sa mundo
kaya't ang payo ko sa iyo'y maging bukas at matalino
Iwasan nang maging sentimental upang tayo'y umasenso.

Magbabalagtas 2;

Ang sinasabi mong talino nawa'y sumaiyo
At ng iyong magpagtantong mali ang iyong punto
Sang-ayon ka sa desisyong paslangin Wikang Filipino
Baka malilimot mong pagtatanggol dito'y tungkulin mo.

Gusto mong umasenso at makipagsabayan sa mundo 
Pa'no? Pa'no? kung sa sariling mo ngang wika'y walang pagkatuto
Anong maiaambag mo kung wala 'yan sa kolehiyo
Di mo yata nakikita ang masama nitong epekto.

Sa kolehiyo nga nararapat pinaigting ang pag-aaral
Asignaturang Filipino dito'y may malaking potensyal
Makabuo ng proyektong pang globalisasyo't sosyo-kultural
Una at higit pang makikinabang ang kababayang mahal.

(Ikatlong Tindig)

Mambabalagtas 1:

Ano ba ang mali? Di ba kaya naman pumapasok sa kolehiyo 
Di ba't upang magpakadalubhasa sa napiling kurso
Malinang kasanaya't kaalaman para sa napipintong trabaho
Sabihin mo nga katoto kung di yan ang kanilang motibo.

Hindi ba't mas maganda kung ang isang Pilipino 
Nagtapos ng kanyang kursong siksik liglig ang pagkatuto
Dahil ang lahat ng inaral ay pawang tugma at konektado
Sa kaniyang interes, sa kaniyang talino't talento.

Oh, aking katoto tayo'y wala na sa lumang panahon
Kailangan nating harapin hamon ng globalisasyon
Kung hindi ay kawawa ka baka tuluyang malamon
At sa burak ng kalugmukan ay di na makaahon.

Mambabalagtas 2:

Ang pag-ahon kong inaasam di lang pansarili
Hangad kong iluklok pati bayan ko't lipi
Kaya't di ko tatalikdan kultura't wikang sarili
Pagkat di ko rin ibig turingang ingrato ng lahi.

Wala na nga tayo sa lumang panahon
Ngunit ang kasaysay ng madilim na kahapon 
Sa puso't isipan ko'y nag-iwan ng leksyon
Na maging makabayan kahapon, bukas higit lalo ngayon.

Edukasyon nga ang susi upang may magandang trabaho
Ngunit kailangan ba ang isang mekaniko, enhinyero
Ang doktor, nars, or atorni'y maging inglesero
Kung ang bibigyang serbisyo'y ang masang Pilipino?

Mambabalagtas 1:

Bakit hindi? Di ba't mas propesyunal ang dating kung sila'y nag-iingles.

Mambabalagtas 2:

Aanhin mong magmukhang propersyunal kung di ka nila maintindihan?

(Paglalagom)

Lakandiwa: 

Oh aking mga katoto kayo muna'y huminahon
Ang pag-awayin kayo ay di namin nilalayon
Ibig lang tantuin ang tama sa usapin ngayon
Nang mabatid namin ang nararapat na aksyon.

Sa pagkakataong ito kayo'y aking pagbibigyan
Huling tindig huling hirit katwiran nyo ay bitawan
Sa madlang nakikinig muli aking kahilingan
Gisingin diwang tulog sa malakas na palakpakan.

Mambabalagtas 1:

Di ko ibig isantabi ang wikang pambansa
Ngunit ang Ingles ay opisyal din nating wika
Ang pagkatuto niyo ay kailangan ng madla
Di mo yan mapasusubalian, tanggapin ng kusa

Saan mo mang dako ibaling ang paningin
Malinaw na makikita kakulanga't suliranin
Kaunlarang pinapangarap ay kaylayo pang marating
Pagkat kayraming hadlang sa ating hakbangin.

Makabagong edukasyon ay ating yakapin
Huwag tayong mangamba na ito'y suungin
Sa pag-unlad na hinahangad ito ang sagutin
Tagumpay at ginhawa ay atin ring kakamtin.

Huwag nawang ipagkait

No comments