Zambales Hymn (Lyrics)
Zambales Province Hymn
Sa dakong kanluran
Dama ang kaumlaran
Pinagpala sa ganda ng kapaligiran.
Tunay na masasabing kaaya-ayang lalawigan
Bawat bata sa labi may ngiti
Bawat puso may minimithi
May ganda’t yaman ating lahi
Ito ang lalawigang Zambales
Sa pagsikat ng araw
Mabuhay ang isigaw
Lalawigang Zambales
Langit ang siyang kawangis
Mga tanawin at biyaya ay kaakit-akit
Masaganang ani sa dagat at bukid
Bunga ng sipag ‘toy nakamit
Tamis ng tagumpay ay hatid
Sintamis ng manggang Zambales
Labingtatlong perlas na kumikinang
Sa gilid ng baybayin
Pinagbuklod ito ng mga bundok at ng karagatan
Taas noo kanino man sa dangal ng ating lahi
Tagumpay nito ay ating dadalhin
Ngayon, bukas at magpakailanman.
Zambales Hymn Lyrics
Post a Comment